Swerte at Kapabayaan

February 2, 2010 at 7:31 am (Pulitika) (, , , , , )

Halos 70 araw na ngayon ang lumipas nang maganap ang karumaldumal at makasaysayang genocide sa Maguindanao bunsod ng gusot sa pulitika ng dalawang makapangyarihang pamilyang Ampatuan at Mangudadatu. Matatandaang ang mga Ampatuan ang responsable sa pagkapanalo ni Gloria Arroyo noong 2004 elections at nagpasok kay Migz Zubiri sa Senado noong eleksyon ng 2007.

Dahil sa impluwensya at hawak na baraha ng pamilya Ampatuan, kontrolado nila ang prubinsya at itinututring na baby ng Malacañang. Kung papanong naipuslit nila ang sangkatutak na mga armas sa kanilang bakuran at kung papanong umabot sa daan-daan ang kanilang private armies at mga security detail na pawang pulis, sundalo at CAFGU ay dahil hinahayaan ito ng liderato ng PNP at AFP at mismo ng DND at ng Malacañang.

Hindi man direkta, tinukoy mismo ni Vice-Mayor Toto Mangudadatu ang kanyang hinanakit kay dating DND Secretary Gibo Teodoro dahil na sa halip na tulungan sila upang mapigilan ang pagdanak ng dugo sa Maguindanao ay siya pa ang nagsabing, umatras na lang siya sa pagtakbo dahil mapanganib at bayolente umano ang mga Ampatuan. At humantong na nga sa masaker.

Sinasabi ngayon ng Malacanang na hindi sila negligent sa masaker dahil may pauna naman silang pasabi. Maging si Gibo ay may effort naman daw sa pagbibigay babala kay Mangudadatu.

Malinaw na hindi galing ni talino ang pinairal ni Gibo nang pigilan nitong tumakbo si Toto samantalang alam niya na utak kriminal itong mga Ampatuan. Malinaw na ito ay mortal na kapabayaan at hindi simpleng lapse in judgment na kumitil sa 57 buhay. Sa bagay, kung tutuusin may rekord na rin itong mamang ito sa utang na dugo sa mamamayan sa Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Gayunman ay umastang hero naman si Gibo noong nagluluksa ang sambayanang at pumronta pa sa telebisyon kasama si Mangudadatu. Matalino nga itong ating bida at sinswerte sila gayong sila din ang may pakana at dahilan sa nasabing masaker.

Nakikinita ko nang di malayong dadami pa ang mga masaker at warlord at private armies sa bansa pag nanalo itong si Gibo.

Usaping DND pa rin. Ngayon naman sa Philippine Air Force (PAF).

Isang heneral at walong iba pang kagawad ng PAF ang namatay ng bumagsak ang kanilang sinasakyan na Nomad plane sa ilang kabahayan sa Cotabato. Mabuti at sinwerte pa ang isa pang sundalong nakaligtas sa lumilipad na kabaong ng sandatahang lakas. Tama, ‘flying coffins’ o di kaya ‘widow maker’ ang bansag sa mga eroplano at maging sa helicopter (Hue) ng Air Force. Di ko lubos maisip ang lohika sa patuloy na paggamit sa mga sasakyang panghimpapawid tulad ng Nomad na noong 1976 pa binili sa Australia at mas matanda pa sa akin. Sinasabi ng PAF na ‘in good flying condition’ daw ito kaya pinagtyagaang sakyan ng mga opisyal at sundalo nito.

Nagtatanong ang marami, nasaaan na ang pera ng AFP modernization at ang taon-taong increase sa budget nito? Malas ngang maituturing ang 9 na biktima. Hindi naman sila namatay sa labanan o sa opersayon kundi sa disgrasya dulot ng kapabayaan at kabulukan. Kung may ilang buhay na ng mga sundalo ang nasayang dahil sa patuloy na pagigiing masinop, kung hindi man korupsyon sa AFP (Gen. Garcia, et. al.). Tiyak akong pag humupa ang isyung ito, irerekondisyon na naman at pipintahan ang mga eroplanong ito at isang araw ay mababalitang bumagsak ang isa sa mga ito habang ang mga lulan ay deretso na sa kalangitan.tsk

Permalink Leave a Comment

Pambansang Lakbayan postscripts III

January 29, 2010 at 3:20 am (Pulitika)

Papalapit na ang eleksyon. Ilang buwan na lang ay muling maghahalal na naman ng bagong lider ng bansa, at tiyak tayong iang susunod na panguluhan ay di malayong magiging reaksyunaryo din at tuta ng US. At sa nalalabing panahon bago ang eleksyon na kung saan ay balot ng panunuyo at pangako mula sa mga kandidato, ang isyu ng lupa at katarungan ay isa sa pinaka-mahalagang salik sa ating pagpili. Ang kanilang pusisyon ay dapat malinawan ngayon na, kasabay ng pagtanaw sa kanilang rekord at karanasan tungkol sa tunay na reporma sa lupa. Ating busisihin ang kanilang papel at tindig sa sangkatutak na isyu ng reporma sa lupa, ng mga masaker (Hacienda Luisita at Mendiola masaker, atbp.) at ang tiranyang militar sa ilalim ng mga panginoong maylupa at pulitiko. Higit sa lahat, bilang isang istretehikong hangarin, ating isaalang-alang ang pagkiling sa mga kandidatong bukas sa mga radikal na pagbabago sa lipunan.

Bagama’t sila ay balot ng naghaharing interes, isang positibong hakbang ang stratehikong alyansa sa mga kandidatong handang itaya ang kanilang kandidatura upang yakapin at tumugon sa hinaing ng malawak na mamamayan at kaakibat na isyu tulad ng genuine agrarian reform, pambansang industriyalisasyon, pagbasura sa oil deregulation law, pagnasyunalisa sa mga negosyo, at marami pang kahalintulad na mga usapin. Sa ganitong paraan, mabibigyang daan natin ang unang hakbang sa makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Ipinakita ng nakaraang pambansang lakbayan na mulat ang mahigpit na nagmamatyag ang mga uring magsasaka at manggagawa, na sa pagsidhi ng krisis sa gubyerno at lipunan, handa silang kumilos at ipagtanggol ang kanilang interes at ng mamamayang pinagsasamantalahan.

Mabuhay ang Pambansang Lakbayan!

Permalink Leave a Comment

Pambansang Lakbayan postscripts II

January 24, 2010 at 3:57 pm (Pulitika) (, , , )

Isa rin sa mahalagang aral mula sa Lakbayan na nais kong tukuyin ay ang tinukoy ni Kabataan Rep. Mong Palatino na ipinapakita nito na kaya ng mga mamamayang anakpawis mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na dumaluyong sa kalunsuran, partikular sa sentro ng kapangyarihan sa Maynila sa maikling panahon lamang upang igiit ng mga karapatan nito. Kung gayon, hindi na malayong sa anumang panahon, pag hinihingi na ng pagkakataon na makubkob ng mga progresibong pwersa ang moog ng kapangyarihan o seat of power.

Naipamalas rin ng Lakbayan ang kumprehensibo at koordinadong pagkilos ng mga pwersang ng pagbabago, pangunahin ng mga uring magsasaka at manggagawa; ng mga kabataan, kababaihan, pambansang minorya, maralitang lungsod, kawani ng gubyerno, tsuper, atbp. sa mga mainit na salubungan sa mga istratehikong lugar na tinahak ng Lakbayan.

Sa kabila ng umiiral na gun ban checkpoints mula Davao hanggang Maynila, determinado ang ang lakbayan na makaapak sa Kamaynilaan kaya’t kahit inabot na ng 8 oras (karaniwan ay 4-5 oras) ang byahe mula Sta Elena, Camarines Norte hanggang Lucena at dumating na ng alas-4 ng umaga, di ito naging hadlang sa tuloy-tuloy na paglalakbay.

Di rin naman matatawaran ang mainit na pagsalubong at pagbati ng mga ordinaryong mga mamamayan at taong simbahan na boluntaryong nag-abot ng makakain, tubig at mga ngiti at pahayag sa mga Lakbayenyo. Nais kung banggitin ang mainit na salubong at pakikiisa sa Zapote, Las Piñas, at sa Maynila.

Itutuloy.

Permalink Leave a Comment

Pambansang Lakbayan postscripts

January 23, 2010 at 8:38 am (Pulitika)

Matagumpay na idinaos ang makasaysayang Pambansang Lakbayan ng Uring Anakpawis para sa Lupa at Latarungan sa isang kulminasyon sa paanan ng Mendiola, kasabay na rin ng paggunita sa ika-23 na taon ng Mendiola Masaker. Kulang-kulang 11 araw ang itinagal ng pinaka-kumprehinsibong pagkilos ng mga mamamayang kabilang sa mga uring anakpawis (mga manggagawa at magsasaka), kasama ang iba pang kaalyadong pwersa mula Mindanao, Visayas at Luzon na umabot sa libo ang bilang.

Nakakataas diwa para sa akin na maging bahagi ng pagkilos na ito at maging saksi sa nagaganap na kasaysayan, ang tunay na kasaysayan ng masang inaapi at pinagsasamantalahan, at hindi ang pagkahuli ni Jason Ivler o ang pagyao ni G. Remonde. Partikular, ay nais kung tukuyin ang limitasyon ng media coverage sa mga pagkilos na ito. Sadyang napaka-ilap ng atensyon ng midya sa Lakbayan mula nang ito’y tumuntong ng Timog Katagalugan. Parang nais kong isipin na nagseselos ako sa mga binanggit ko sa unahan, ngunit sadyang nakakalungkot lamang na ang pambansang midya, na siya sanang naglalantad ng tunay na kalagayan ng bayan ay animo’y iba ang pinagkakaabalahan.

Sa balita noong Huwebes, nagmistulang panggulo ang mga magsasakang nagmamartsa nang i-headline sa isang newscast na nagdulot ng trapik sa QC circle ang makasaysayang salubungan ng mga magsasaka mula Vis-Min at ng Central at Northen Luzon. Hindi ko lubos maiisip na ganito ang linya ng pag-iisip nang kung sino man ang nasa desk noon, na ang ilang oras na pagkaantala ng mga komyuters at manlalakbay ay higit na abala sa binyahe at nilakad ng mga magsasaka mula Davao, Negros, Panay, Leyte, Bikol at Southern Tagalog sa ilalim ng ulan, init ng araw at lamig.*Mas nakapanlulumo ang feedback ng isang kaibigan na tumawag sa istasyon. Matapos niyang punahin ang anggulo ng balita, ang sabi umano ng desk ay “Oo nga, yuckyyy nga eh”.

Itutuloy.

Permalink Leave a Comment

Backlogs

January 23, 2010 at 8:06 am (Personal)

I supposed to make my first blog post here two weeks ago, but since I have had the most backlog in the office, plus the hectic schedule outside of work, posting one is a thing of the immediate future. Kaya bukas din magpopost na ako.

Permalink Leave a Comment

Baong Taon, Bagong Blog, Bagong Pakikihamok

January 3, 2010 at 1:40 pm (Personal) (, )

Taong 2010 na pero di ko pa malaman-laman ang Tagalog ng blog. Oo, ang diary ay tala-arawan. Ano nga kaya?

Ang nakaraan taon ay nagdulot sa atin ng sangkatutak na mga pangyayaring nagbago sa landas ng ating kasaysayan at ng kanya-kanyang buhay. Bagama’t pinilit kong makatugon sa tawag ng pagsusulat, ay di na rin kinaya pang magampanan ito gawa ng tambak sa trabaho at gawain. Tanging ang personal na blog page lamang ang naa-update ko paminsan-minsan. Kaya’t panata ko sarili ko, liban sa pagpapatrim ng buhok ko, ang magpasulpot ng panibagong blog. Tema ng bagong blog na ito sa pangalang armanpowers ay pangunahing usaping pulitika at iba pang klaseng pagsusuri sa lipunan, buhay-buhay at personal na karanasan ng mga ordinaryong mamamayan tulad ko.

Nawa’y marapatin ng pagkakataon na consistently at timely makapag-update ako dito.

Isang masigasig at mapagpalayang bagong taon sa lahat!

Permalink Leave a Comment